Aldo Sorphet Backpack

Ang napili kong produkto para sa aking blog ay bag. Ito ay isang Aldo Sorphet Backpack na nabili ko sa Zalora. Isa ang Aldo sa mga paboritong kong brand dahil pinagkakatiwalaan ko ito. Ang bag na ito ay magagamit ko pag papasok ako sa paaralan o kung may pupuntahan akong importante. Ang kulay ng bag na ito ay itim. Itim ang isa sa mga paborito kong kulay dahil hindi ito mabilis madumihan at simple lang ang kulay na ito. Itong Aldo Sorphet Backpack ay may zipper, dalawang kompartimento, naaayos na strap, may bulsa sa harap, ang sukat nito ay 22 x 10 x 28 sentimetro, at ito ay masuring ginawa ng tao.

Nung natanggap ko na ang bag, napahanga ako kasi sobrang ganda niya at nakita ko na saktong sakto lang talaga ang size nito para saakin. Kung ano yung nasa litrato don sa pinagbilhan ko, ganoon din ang natanggap ko. Matibay din yung bag at sigurado akong matagal kong magagamit ang bag na ito. Nagustuhan ko ng lubusan ang bag na ito at irerekomenda ko ito sa mga kaibigan kong gustong bumili ng bag. Kahit mahal siya, sulit ang presyo niya.

Sa kabilang dako, may negatibong komento ako sa bag na ito. Masyadong natagalan ang delivery, umabot ito ng dalawang linggo. Mahal din yung presyo niya para sa isang backpack. Kung nagtitipid ka, hindi ko irerekomenda ang produktong ito.

Sa kabuuan, may negatibo at positibo akong komento dito na nasabi ko sa itaas ng talata na ito. Mas madami akong positibong komento dito dahil hindi ako nagsisi na binili ko ito. Ang rating ng bag na ito ay 10/10. Sobrang saya ko na nabili ko ito. Kung balak mong bumili ng isang backpack o bag, sa Aldo ka na bumili dahil hindi ka madidismaya. Ang produktong ito lubos kong nirerekomenda sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagbabasa ng aking blog.

Design a site like this with WordPress.com
Get started